8.04.2009

Salamat at Paalam Tita Cory


Dalawang araw na ang nakakalipas nang sumakabilang buhay na ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino. May lampas isang taon niyang nilabanan ang sakit na colon cancer bago siya magapi nito noong Sabado ng madaling araw, Agosto 1, taong 2009. Totoo nga ang kasabihang natututuhan mo lang lalong pahalagahan ang isang tao kapag wala na ito. Nakilala ko lang si Presidente Aquino bilang lola ng dating kong kaklaseng si Jiggy (panganay na apo ni Cory). Sinasabing siya ang nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas nang siya ang maging Presidente mula sa ating mga guro’t mga aklat. At sa lahat ng pagpaparangal at pagkilala sa kanya sa mga programa sa telebisyon noong mga nakaraang araw, lalo kong naintindihan ang kahalagahan ng isang Cory Aquino sa bansang Pilipinas.

Siya ang tumayo at lumaban sa diktaturya. Isipin mo na lang kung ano ang mangyayari kung hindi sya tumakbo bilang presidente laban kay Marcos. At pagkatapos nyang maluklok bilang pangulo, nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan at gawin ang mga gusto niyang gawin dahil sa kasalukuyan noong 1973 Constitution ngunit sinimulan na niyang baguhin ang Konstitusyon ng Pilipinas na gamit natin hanggang ngayon. At nang magtatapos ang termino niya noong 1992, malugod siyang bumaba sa pagka-pangulo sa kabila ng pag-uudyok ng ilan na tumakbo ulit dahil naluklok naman siya sa pagka-pangulo dahil sa People Power Revolution. Dalawa ito sa konkretong bagay na nalaman ko noong mga nakaraang araw na nagpatunay kung bakit siya kinikilala bilang Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.

Bahagi ako ng bagong henerasyon ng mga Pilipinong tumatamasa sa kalayaan at demokrasya. Utang ko at utang nating lahat ito unang babaeng president ng Pilipinas at Asya. Ang naging Ina sa buong bansa.

Salamat sa paalala. Hindi kami makakalimot.

Salamat at Paalam Tita Cory.

___

originally posted from http://newemj.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

Visit Philippines

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did do. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.” - Mark Twain


See beyond.  Understand sincerely.