4.29.2009

20 Hours in Boracay

April 12-13, 2009

Tulad ng nakalagay sa title, may around 20 hours lang ang inilagi namin sa Boracay dahil na rin sa mga delay sa biyahe at sa pasok sa trabaho ng ilang mga kasama. At kahit ganun, marami rin naman kaming nagawa.



More than 10 years ago na ata since the last time I was in Boracay kaya't inaasahan ko na ang napakaraming pagbabago mula nung huli akong makapunta sa Boracay. Ang dating maalikabok na daan sa gitna ng isla ay sementado na at ang dating mga motorbike na dumadaan dito ay napalitan na ng napakaraming tricycle, multicab at mga shuttle vans ng mga malalaking resorts ng isla. Parang isang maliit na lungsod pa ang sumalubong sa akin pagdaan ng tricycle sa "city center" na puno ng mga "small sized version" ng mga business establishments. Talagang tuloy-tuloy na umaasenso ang isla ng Boracay.




To cut the story short, wi-nelcome kami ng relatives ni Jogo sa tutuluyan namin. Talagang inasahan nila ang pagdating namin at kaninang umaga pa nga kami inaantay (kung di lang dahil sa mga delays. hay) Pagdating sa kwarto, wala pang limang minuto ay kumaripas kaagad papunta sa beach front para maabutan ang sunset. Shoot! Naalala ko kung bakit wala pa rin talagang tatalo sa Boracay habang nagmamadaling maglakad sa puti at pinong buhangin.



Makalipas ang ilang minuto ay balik kami sa tinutuluyan namin para makapagpalit at makapag-swimming na kaagad. Wala na lang talaga akong masabi sa pagkamangha sa isla ng Boracay habang lumalangoy sa beach nito.



Balik resort kami at naghanda ang relatives nila Jogo at Pryz ng dinner para sa amin. Nagpakabusog ng konti at tuloy ang gala sa gabi. Naglakad-lakad, naglaro ng basketball shootout, nag-shopping, nag-wall climbing (na first time ko ginawa at nakaakyat ng more than 30ft ata yun), nag-kape at tumambay. Nagpakapagod na para madaling makatulog at maka-gising ng maaga kinabukasan para makapag-swimming kaagad.



Maaga nga kaming nagising para makarami ng swimming. Habang nasa dagat at kapansin-pansin ang ilang isda na walang pakialam na lumalangoy sa paligid ng mga tao. "Dalmatian" version ng isda dahil sa puting kulay at itim na mga tagpi. Masaya rin ang napag-tripan si Ogie. hahaha. Pagbalik ay naghanda ulit ang relatives nila Pryz at Jogo ng pagkain para sa breakfast. Pagkatapos kumain ng around 9am ay naghanda na kami para makaalis at makaabot sa Roro pabalik ng Roxas ng 2pm. Nagpa-tattoo si Jesse at Pryz, namili ng ilang pasalubong sila Kates at Lery at sibat na kami.

Lery, Jogo, Jesse and Kates. not in picture: Pryz, Ogie and me

Goodbye Boracay! Babalik kami at lalagi naman ng more than 20 hours! hehehe

1 comment:

  1. nice picz!

    For more info about boracay visit the ff: sites

    www.travelboracay.com.ph
    www.travelboracay.ph
    www.flightsboracay.com.ph

    ReplyDelete

Visit Philippines

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did do. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.” - Mark Twain


See beyond.  Understand sincerely.