4.17.2009

Batangas City - Calapan RORO

Papunta pa lang ng Batangas, adventure na. Wala ng ibang paraan para makarating ng Batangas Port kundi ang P200 na shuttle van sa tapat ng Jac Liner Terminal sa Kamuning. Buti na lang at dun ako dinala ng taxi, kundi matagal pa ang aantayin ko para makarating kaagad ng Batangas Port.



Nakarating din ng port at nahuli ng isang oras sa huling biyahe ng roro papuntang Calapan kaya antay na lang sa 2am na biyahe. Ito ang unang pagkakataon kong sumakay ng roro. Medyo natakot dahil talagang maliit ito compared sa mga barko ng Superferry at Negros Navigation pero natuwa na rin at ngayon lang ulit nakasakay ng barko. Hindi namin alam na may aircon room/lounge pala itong sinakyan namin. Natuwa at may nakitang empty seats pa subalit na-disappoint din dahil nangati at nagkapantal kami dahil na rin siguro sa dami ng taong naupo sa mga upuang yun. In 2 hours, nakarating din kami ng Calapan. Mindoro Island for the first time! Yeah!

No comments:

Post a Comment

Visit Philippines

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did do. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.” - Mark Twain


See beyond.  Understand sincerely.